Sa panahon ngayon, bawal magkasakit ang mga alaga nating baboy para hindi mawala ang pagod at investment natin. Ang pinaka praktikal na paraan para maiwasang ang sakit ay ang pagbibigay ng bakuna sa kanila upang laging mataas ang kanilang resistensya laban sa mga sakit. Narito po ang ilang tips sa pagbabakuna para masigurado po nating effective at maganda ang proteksyon na makukuha ng ating mga alaga:
- Tiyaking tama ang bakunang ibibigay base sa mga “endemic” o pangkaraniwang sakit na tumatama sa inyong lugar. Kung bumibili po kayo ng mga dumalaga sa mga breeder farm, maaring itanong din sa kanila kung ano ang mga bakunang ibinibigay nila sa kanilang mga dumalaga para maisama din sa programa ng bakuna sa inyong farm
- Alamin ang tamang timing o panahon kung kailan ituturok ang bakuna sa inyong mga alagang baboy. Posible po na mahina ang bisa ng bakuna kung napaaga o nahuli ang bigay ng bakuna ayon sa edad ng baboy.
- Iwasan ding mag underdose sa ibibigay na bakuna. I check ang tamang dosage na recomenda ng gumawa ng bakuna.
- Panatilihing nasa malamig na lalagyan o refrigerator ang bakuna habang hindi pa ginagamit upang hindi masira o mabawasan ang bisa ng bakuna. HUWAG PONG ILAGAY SA FREEZER ANG BAKUNA
- Kung nagbibigay ng “booster shot” , huwag hayaang masyadong matagal ang pagitan nito doon sa unang ibinigay na bakuna. Alamin sa beterinaryo ang tamang agwat ng unang bakuna sa boostershot.
- Bigyan lamang ng bakuna ang mga malulusog at at mga nasa tamang edad na baboy upang mas maganda ang proteksyon na makukuha nila sa bakuna laban sa sakit.
- Alamin ang tamang technique sa pagbabakuna. Alamin ang tamang haba at taba ng karayom na naaangkop sa laki ng baboy na babakunahan. Tiyakin din na tama ang lugar na tuturukan at anggulo ng karayom pag ipinasok sa laman ng baboy. Hindi po effective ang bakuna na naiturok sa taba ng baboy.
- Iwasang madumihan ang laman ng bakuna. Gumamit lamang ng malinis at bagong disposable na hiringgilya at karayom sa pagbabakuna. Huwag gagamit ng alcohol o disinfectant na pwedeng makasira ng bakuna.
- Huwag gumamit ng expired na bakuna. I-check muna ang expiry date ng bakuna sa bote bago ito gamitin.
- Maglaan ng tamang panahon para umepekto ang bakuna. Kailangan ng 2-3 linggo mula nang naiturok ang bakuna bago ito makapagbigay ng magandang proteksyon sa baboy.
- Huwag nang bakunahan ang mga baboy na kasalukuyang maysakit dahil hindi na ito makakakuha ng magandang proteksyon. Makabubuti kung ito ay gamutin na lamang.
- Maaring magbigay ng bakuna sa mga buntis na inahin upang makapagbigay ng proteksyon o “antibodies” sa mga biik mula sa colostrum sa gatas ng inahin
- Inactivated o killed vaccines ang karamihan sa nabibiling bakuna tulad ng bakuna laban sa parvovirus, erysipelas, E. coli at Mycoplasma pneumoniae. Kailangan ng 2-3 linggo mula pagkabakuna bago makapagbigay ng proteksyon sa katawan ng baboy.
- Live o attenuated vaccine ay mas mabilis na nagbibigay proteksyon sa baboy sa loob lamang ng isa hanggang dalawang linggo pagkabakuna, Ngunit kailangang maingat sa pagbabakuna para walang matatapon na bakuna na maaring pagsimulan ng sakit sa ibang baboy. Halimbawa ng live vaccine ay hog cholera at PRRS.
- Pagkatapos magbakuna, sunugin o ibaon sa lupa ang bote na may natirang bakuna lalo na kung ito ay live vaccine upang hindi ito maging dahilan ng pagkalat ng sakit.
- Laging maghanda ng Epinephrine ampule bilang antidote kapag nagbabakuna. Maaring magdulot ng allergy o anaphylactic shock ang bakunang ibibigay sa baboy. Iturok ang 0.5 ml Epinephrine sa mga biik at 1 ml naman sa malalaking baboy kung may napansing namumula, humihingal o nagsusukang baboy pagkatapos bakunahan.
- Huwag ituturok ng malamig ang bakuna sa mga baboy para maiwasan ang allergy o anaphylactic shock. Kailangang ilabas muna ng 20 minutes mula sa ref ang mga live vaccine at 30 minutes naman sa killed vaccines bago iturok sa mga alagang baboy.
- Iwasang magbakuna ng mga baboy kapag busog ang mga ito. Magbakuna lamang bago magpakain o kaya 3 oras pagkatapos kumain ng mga baboy para maiwasan ang pagsusuka pagkatapos magbakuna.
- Iwasan ding magbakuna sa tanghali o kapag mataas na ang sikat ng araw para maiwasang humingal ang mga baboy pagkatapos magbakuna. Magbigay ng bakuna 6 – 8 ng umaga o 4 – 6 ng hapon.
- Iwasang paliguan ang mga baboy pagkatapos magbakuna at sa susunod na araw upang maiwasang lagnatin ang mga ito. Kung may nilagnat sa mga binakunahan, maaring magbigay ng gamot sa lagnat tulad ng sulpyrin o analgin.
Ang Davsaic at Viddavet po ay may mga bakuna na pwedeng makatulong sa pagpapalakas ng resistenya ng inyong mga alagang baboy. Kung may katanungan, maari pong tumawag sa aming hotline 09209465712 o mag message sa aming fb page https://www.facebook.com/viddavet101/

About the Author
Si Oreste “Doc Teng” David po ay isang beterinaryo na nagtapos sa UP at Los Banos. Siya ay 20 taon nang Swine Veterinary Practitioner at kasalukuyang Technical Manager ng David Swine A.I. Center, Inc..
Pwede po maka hinge mg mga example program para sa Biik hanggang gawing breeder or fattener ty
Ok po, send nyo sa amin e-mail add nyo para mapadala namin sa inyo, thanks
sir pwede po b makahingi nang vaccination program, piglet hanggang ready na po ibreed at pagnabreed na po . salamat po
Yes po, i send manin sa email nyo sir @Jayfree Magboo
Sir baka pwede din po ako makahingi din po ng vaccination program pati sa program ng live at killed vaccine at some tips paano gamitin po itong mga vaccine
Hi po any reviews po sana sa Gonestrol. Kung gaano po ito ka effective. Thankyou po
Ang Gonestrol po ay may dalawang component. Meron syang Chorionic gonadotrophin para magbagsak ng itlog ang inahin para ma fertilize ng semilya. May Estradiol benzote din sya para magpalandi sa inahin. Kelangan ng 2 ml sa dumalaga, 3 ml sa inahin. Mas maganda sya kumpara sa mga estrogen lang ang laman na pampalandi. Kasi pag estrogen lang, posibleng maglandi ang inahin pero di sya fertile kapag pinasukan ng semilya
Doc Teng paano po Maka avail NG GP large white po ninyo?
Location ko po calatagan batangas
Salamat po God bless
Sir pwede pa po ba gamitin ang natirang bakuna na inactivated vaccine balak ko kc bumili ng respisure one at ito po ba ay inactivated vaccine.
sir gud pm, pwede po bang makahingi ng vaccination program ng mga biik hanggang sa maging fattener o inahin… Pwede rin po bang malaman ang dahilan bakit napaparvo virus po ang mga inahin?
hello Doc, pwd po makahingi ng vaccination program mula biik ang maidisposed ang mga fattener!salamat po
Sir pwede po Malaman kung ano Ang mga dapat I bakuma sa biik pag 41 days na
sir pwde po ba makahingi ng vaccinatiin program ng biik simula pagkapanganak hanggang fattening at sa inahin bago pakasthan at pagkatpos manganak
Hi sir this is Mrs Espiritu nag start napo ako mag alpha ng Baboy meron po ba kayo idea I ng may vet doc kayo na mari recommend
para po kami ay magabauqn ng tamang pay aalaga ng wild boar cross to pot belly pig
sa ngayon po nasa 60 heads na po lahat Hanse at lalaki combine at may mga bagong panganak
Pls help me thank you
Good morning po!!!!puwede po ba akong makahingi vac. program para sa mga biik hanggang ma bread..mayron na po akong 30 sow ngayon. salamat
Kailan po ba pwde paliguan ang nabakunahang baboy?salamat po
Magandang araw po. pwd po ba makihingi ng vaccination program po from piglet hanggang sa pwd na ibenta po. and anu anu po mga bakuha sa ibat ibang sakit na pwdng pagdaanan ng baboy po, plano ko po mag business ng piggery po at pinag aaralan ko pa muna lahat bago magumpisa.. maraming salamat po a inyo, Godbless po,
Doc Teng need ko po GP landrace semen
Location ko po calatagan batangas
Thank you po
God bless
Pwd po ba akong humingi Ng vaccination program for piglets and gilts.
Thanks po
Sir makahingi din po ng vaccination program from piglet to inahin..at sample na din ng mga reccomended vaccine …salamat po…
hindi po ako naka pag inject ng anti parbo bagu pakastahan.ngayon one mo th na buntis.pwdi pa po b amaka inject ng antiparbo?at kailan dapat?
Good day po.. Pwede po huminge ng vaccination program ng piglets to breeders.. Eto po email add ko
janphixius12@gmail.com
Hello po, pwede po ba makahingi ng vaccination at vitamins program from biik hanggang maging inahin po??
Plano ko po kase mag alaga, gusto ko po muna aralin bago ko i apply.
Salamat.